country
EN
Jimmy Alapag, NLEX ‘durog mga puso kay DeQuan Jones
['James Tolosa']
Abante Tonite
Pamilya ang turingan ng buong organisasyon ng NLEX mula players, coaches, staff, kaya kinabog ang dibdib ng Road Warriors nang abutin ng matinding injury si import DeQuan Jones noong Miyerkoles sa Ynares Center sa Antipolo. Balik ang kanang paa ng import, naka-stretcher na diniretso sa ospital pagkabagsak may 7 1/2 minutes pa sa third quarter ng 50th PBA Governors Cup elims kontra TNT. “You never wish any type of injury to happen to one of your players, especially someone like DJ (Jones),” laglag balikat na pahayag ni Alapag.