country
EN
MMDA ikinasa P5K multa vs mga pasaway sa basura
['James Tolosa']
Abante Tonite
Mayroon na umanong resolusyon sa pagpapataw ng mas mataas na multa sa mga ilegal na magtatapon ng basura kung saan-saan sa Metro Manila. Sa ambush interview at pagtatanong ng Abante Radyo kung may rekomendasyong ordinansa na ba sa pagtatapon ng basura, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes na nakatakda nang pag-usapan ng Metro Manila Council ang resolusyon sa taas multa na aabot hanggang P5,000. Samantala, iginiit naman ni Artes na ang mga tumambad na basura sa open canal sa Parañaque City ay hindi galing sa Metro Manila.