Kasunod ito ng testimonya ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan sa Sandiganbayan na nagsumite sa kanya ng listahan si Bernardo ng mga priority projects nina Go at Senador Robin Padilla. Sabi pa ni Go, sa halip na kaladkarin ang mga mambabatas sa kanilang gusot, mas mainam umanong magpokus na lang si Bonoan sa kinakaharap niyang kaso. “So bago lagyan ng kulay ang pagbanggit ng pangalan ko, ni Senator Robin, sa kanyang testimonya, bigyan sana ng tamang konteksto dahil mula noon hanggang ngayon, wala naman tayong ibang pakay kundi magtrabaho at magserbisyo lang po sa ating mga kababayan, lalong-lalo na po ‘yung mga nangangailangan,” ayon pa kay Go.