Ibabalikwas ni Caera Celis at tropa ang Alas ‘Pinas sa kambal na semplang pagsiklab ng 2nd FIVB Volleyball Girls U17 World Championship Round of 16 sa Gymnasio Polideportivo De Los Andes sa Los Andes, Chile ngayong Huwebes ng umaga Aug. 13 (PH time). Pagswak sa Final 16, nahigitan na ng Alas Pilipinas Girls ang Bryan Bagunas-led squad na kinapos sa 19th FIVB Volleyball Men’s World Championship noong isang taon sa bansa na tumapos na ika-18 at ang women’s team na gayundin ang posisyon sa 1974 FIVB Women’s Volleyball World Championship sa Mexico. Pinapurihan naman n head coach Edwin Leyva ang mabilis na adjustment ng mga player sa malamig na 4-degree temperature at ang mga laro ng kalaban na pinanood lang sa video.