country
EN
Jerom Lastimosa pak kahig! Magnolia kinanaw Phoenix
['James Tolosa']
Abante Tonite
Nagsalitan sina Jerom Lastimosa, Mark Barroca sa scoreboard sa fourth quarter para angklahan ang atake ng Magnolia at bawiin ang 115-101 panalo laban sa Phoenix sa PBA 50 Governors Cup elims sa Ynares Center sa Antipolo nitong Miyerkoles ng gabi, Agosto 12. Angat sa 4-3 ang Magnolia, inakbayan ang biktima sa second-third sa Group B. Naitulak sa unahan ng bracket ang Rain or Shine (4-2). Naglatag ng nakakasakal na depensa sa final period ang Hotshots, nilimitahan ang Fuel Masters sa 2 points lang hanggang kalagitnaan ng frame sabay sa pagkaripas ng 16 points para lumayo 98-86.