country
EN
Pasig judge pinatatalupan sa hinarang na P85 wage hike
['James Tolosa']
Abante Tonite
Nagpadala ng “love letter” si House Deputy Minority Leader at Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña kasama ang mga lider-manggagawa sa Supreme Court (SC) upang hilingin na suriin nito ang inilabas na temporary restraining order (TRO) ng isang korte sa Pasig laban sa pagpapatupad ng P85 minimum wage increase para sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).
Sinabi ni Cendaña na dumurog sa puso ng maraming manggagawa ang TRO na inilabas ng Pasig City Regional Trial Court Branch 152.
“The High Court should probe Judge Marie Joyce Manongsong’s TRO against the wage hike.
We believe the RTC has no business meddling in wage orders and, in fact, acted against Article 126 of the Labor Code, which prohibits court-issued injunctions against proceedings of the National Wages and Productivity Commission and the regional wage boards,” sabi ni Cendaña.
Umaasa si Cendaña na bibigyan ng SC ng nararapat na konsiderasyon ang kanilang liham at mabilis na kikilos upang protektahan ang mga karapatan at interes ng mga manggagawa.