Nakiramay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga namatayan at naapektuhan ng magnitude 7.4 na lindol sa Colombia. Sinabi ng Pangulo na alam ng mga Pilipino ang hirap at sakit na dulot ng malalakas na lindol dahil kabilang ang Pilipinas sa mga bansang nasa Pacific Ring of Fire. “The Philippines conveys our heartfelt condolences to the Government and people of Colombia for the lives lost and the devastation caused by the powerful 7.4-magnitude earthquake,” sabi ni Marcos. Sinabi rin niya na kaisa ang Pilipinas ng Colombia sa pagbangon, muling pagtatayo ng mga komunidad at pagbabalik ng kabuha¬yan ng mga naapektuhan. Iniulat na mahigit sa 160 katao na ang nasawi at daan-daan ang nawawala sa lindol.