Arestado ang tatlo sa limang Chinese dahil sa tangkang pagdukot sa kapwa nila Chinese at panghihingi ng mahigit P60 milyon ransom sa Angeles, Pampanga. Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na isang Chinese ang driver ng SUV, pati na rin ang mga armadong lalaki. Chinese to Chinese ang nangyari. So ang puntirya nila is Chinese,” sabi ni Police Brigadier General Jess Mendez, Regional Director, PRO3. Isang milyong dolyar o katumbas ng mahigit P60 milyon ang hinihinging ransom ng mga Chinese kidnapper.