country
EN
Martin Romualdez, kinuwestiyon ang pagiging patas ng Ombudsman sa pag-imbestiga sa kaniya
[]
GMA News Online / News
Kinuwestiyon ng dating House Speaker na si Leyte Rep. Martin Romualdez ang pagiging patas ng Ombudsman sa ginagawang imbestigasyon laban sa kanya.
Sa isang pahayag, sinabi ni Romualdez na ang tanging hinihingi niya ay pantay na pagtrato sa ilalim ng batas.
Aniya, binibigyang-halaga ng Ombudsman ang mga testimonya ng mga tao na dati na umanong napatunayang kulang ang kredibilidad ng mismong Ombudsman at ng Department of Justice (DOJ).
But the Ombudsman is using witnesses he himself and now the DOJ have already publicly discredited," sabi ng abogado ni Romualdez.
Sa kabila nito, sinabi ni Romualdez na hindi siya matitinig sa mga hakbang na ginagawa ng Ombudsman.