Asahan na muling tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, batay sa pagtaya ng isang oil industry source. Habang P5.50 hanggang P6.00 kada litro naman ang posible umanong itaas sa presyo ng gasolina. Karaniwang inaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang mga pagbabago sa presyo tuwing Lunes, at ipinatutupad ang mga ito sa susunod na araw ng Martes. Ngayong linggo, nagpatupad ang mga kompanya ng langis ng pagtaas sa presyo sa mga prduktong petrolyo. Ang pinakahuling price adjustment, umaabot na ang kabuuang pagtaas sa presyo ng gasoline sa P49.92 kada litro, P50.43 kada litro sa diesel, at P48.39 kada litro sa kerosene.