country
EN
Mag-asawang OFW, umuwi at sinorpresa ang kanilang anak na ikinasal
[]
GMA News Online / News
Sa video na ipinakita sa GMA Integrated Newsfeed, makikita si Mark Costelo na naglalakad papunta sa altar ng simbahan sa kaniyang kasal.
Pero mababakas ang lungkot sa kaniyang mukha dahil hindi niya kasama ang kaniyang mga magulang na nasa Canada.
Gayunman, batid daw nila na mahirap itong gawin dahil sa kalilipat pa lang nila sa Canada at bago pa lang sila sa kanilang trabaho.
Ayon kay Ferdimark, pinili nilang mag-asawa na magtrabaho sa ibang bansa para hindi maranasan ng kanilang mga anak ang naranasan nila noon na walang-wala sa buhay.
Kaya ganun na lang ang kanilang lungkot nang mapagtanto nila na hindi rin sila makakapunta sa kasal ni Mark dahil kakalipat lang nila sa Canada at kasisimula pa lang nila sa kanilang trabaho.