Tanggal na si Alexandra “Alex” Eala sa Philippine Women’s Open matapos matalo kay Camila Osorio ng Colombia, 6-4, 6-4, sa quarterfinals ng kanilang laban nitong Huwebes sa Rizal Memorial Sports Complex. Dahil sa pagkatalo, nagwakas na ang kampanya ni Eala sa kaniyang unang paglahok sa isang professional tournament sa kaniyang sariling bayan. “Sayang, hindi pumasa sa level, pero ang importante, nandito ako sa Manila, sa Pilipinas, at nandito ang WTA,” sabi ni Eala sa post-game interview. Sunod na lalahok si Eala sa Abu Dhabi Open matapos makasama bilang wild card entry sa main draw. Uusad naman si Osorio, sa semifinals ng torneo, at makakaharap si Solana Sierra ng Argentina.