Pinagtibay ng Korte Suprema ang nauna nitong desisyon na nagdeklarang labag sa Konstitusyon ang Articles of Impeachment laban kay Bise Presidente Sara Duterte, ayon kay court spokesperson Atty. Kasama sa desisyon ng mga mahistrado na nilabag sa mga artikulo ang right to due process ni Duterte. Matatandaang tatlong reklamong impeachment ang inihain laban kay Duterte noong Disyembre 2024, na pawang may kaugnayan sa umano’y maling paggamit ng confidential funds. Ang ikaapat na reklamong impeachment ang inendorso ng mahigit na one-third ng mga mambabatas mula sa Kamara de Representantes, na ipinadala na sa Senado kalaunan bilang Articles of Impeachment. Sinabi rin nito na ang “session days” para sa impeachment complaint ay hindi nangangahulugang legislative session days.