Mas malinaw na polisiya, mas malaking suporta, at mas maayos na benepisyo para sa mga midwife at birthing centers ang isinusulong ngayon sa bansa. Muling nabuksan ang usapin kasunod ng panawagang repasuhin ang Administrative Order ng Department of Health (DOH) na naglilimita sa papel ng mga midwife sa ilang panganganak. 2019-0026, na nagtakda ng mga polisiya sa pagbibigay ng birthing assistance para sa mga nagdadalang-tao. Kabilang sa mga probisyong inirereklamo ang limitasyon sa pag-assist ng mga midwife sa una at ikalimang panganganak ng isang ina. Malaki rin ang papel ng mga birthing center upang hindi mapuno at magsikip ang mga pampublikong ospital sa bansa.