None
EN
BIR pinalawig ang tax deadlines sa habagat-affected areas
['Pol Montibon']
SMNI NEWS CHANNEL
Pinalawig ng Bureau of Internal Revenue (BIR) hanggang Agosto 17 ang ilang tax filing at payment deadlines na nakatakda mula Agosto 10 hanggang 16 sa mga lugar na apektado ng malakas na pag-ulan dulot ng Habagat.
Saklaw ng extension ang 58 BIR offices and units, kabilang ang 53 Revenue District Offices (RDOs) at limang Large Taxpayer Audit and Excise Divisions.
Kasama sa pinalawig ang ilang deadline para sa tax filing, payment, remittance, registration at iba pang required submissions.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, layunin ng extension na bigyan ng karagdagang panahon ang mga taxpayer na unahin ang kanilang kaligtasan habang patuloy ang masamang panahon.
“We are giving our affected taxpayers additional time so they can prioritize their safety this week and comply with their tax obligations without having to worry about penalties,” ayon kay Charlito Martin R. Mendoza, Commissioner, BIR.