Albert “Paring Albert” Alejo, hindi na lamang pisikal na pananakit ang anyo ng karahasan dahil nakikita na rin ito sa online platform. Maaaring “patayin” o “salaulain” ang wika sa pamamagitan ng paggamit nito upang manakit, manakot, o magpalaganap ng karahasan, ani Alejo. “Lumalalâ ang salot sa kirót na dulot ng malalansáng salita,” wika ni Alejo sa unang bahagi ng akda. Matagal nang tinatalakay ni Alejo sa kaniyang panulat ang pagkasanay ng lipunan sa karahasan. Naniniwala si Alejo na napapanahon ang kaniyang akda dulot ng mga karahasan na nangyari sa bansa sa mga sumunod na dekada.