Lorna Kapunan, sinabi ni Del Campo na sakop pa ng legal appeal period ang OVP para kuwestiyunin ang naturang disallowance sa COA Commission Proper. Tinanong din ni Presiding Officer Chiz Escudero kung hanggang kailan maaaring iapela ng OVP ang Notice of Disallowance. Kinumpirma rin ni Del Campo na umiiral pa sa ngayon ang 180-day appeal period para sa kampo ng Bise Presidente. Gayunman, dahil nasa loob pa ng appeal period ang OVP, hindi pa pinal ang naturang Notice of Disallowance at maaari pa itong kuwestyunin sa COA Commission Proper. Iginiit ni Escudero na dapat hayaan ang testigo na magbigay ng sarili nitong interpretasyon sa mga ebidensya.