None
EN
DBM isinumite na sa Kongreso ang panukalang ₱7.2-T 2027 nat’l budget; 6% mas mataas kaysa 2026
['Cresilyn Catarong']
SMNI NEWS CHANNEL
Pangunahing nakatuon ang panukalang budget sa edukasyon, kalusugan, social protection, food security, imprastraktura, trabaho, at disaster resilience.
Nitong Martes, Agosto 11, pormal nang isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kongreso ang 2027 National Expenditure Program (NEP).
Ang NEP ang magsisilbing batayan ng Kongreso sa pagtalakay at pagbuo ng pambansang budget para sa susunod na taon.
Katumbas ng panukalang budget ang humigit-kumulang 21.7% ng gross domestic product (GDP), at anim na porsiyentong mas mataas kumpara sa 2026 budget.
Sa mga departamento ng pamahalaan, Department of Education (DepEd) ang may pinakamalaking alokasyon na ₱976 bilyon, o 13.55% ng kabuuang panukalang budget.