2026-34 na nagtatakda ng bagong sistema sa pagtukoy at paghahanda ng mga forest investment sites para sa mga proyektong pangkabuhayan. Ayon sa ahensya, tinatayang aabot sa ₱38 trilyon ang maaaring maging production value ng sustainable forestry investments mula 2027 hanggang 2052. Natukoy rin ng DENR ang humigit-kumulang 1.18 milyong ektarya ng forest lands na maaaring paglagyan ng mga proyekto sa agroforestry, tree plantations, renewable energy, ecotourism, at iba pang sustainable forest enterprises. Inaasahan ding makapagbibigay ang mga proyektong ito ng humigit-kumulang ₱4 bilyong taunang kita. Aniya, posible ang sabayang pangangalaga sa kalikasan at pagpapalago ng ekonomiya sa pamamagitan ng science-based planning at mahigpit na environmental safeguards.