Sa ginanap na Sisterhood Agreement sa pagitan ng Bohol at San Juan City, binigyang-diin ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan. I-promote natin ‘yan sa San Juan, lalong-lalo na sa Greenhills Shopping Center na iyong pinakasikat namin na shopping center. Magandang ibahagi natin sa isa’t isa para mas umunlad pa ang ating bansang Pilipinas,” pahayag ni Mayor Francis Zamora, San Juan City. Ayon sa mga opisyal, ang mas matibay na ugnayan ng Bohol, San Juan City, at Cebu ay magbubukas ng mas maraming oportunidad sa turismo, kalakalan, pamumuhunan, at kabuhayan ng mga lokal na komunidad. Sa pagpapatibay ng ugnayan ng Bohol sa San Juan City at Cebu, inaasahang mas maraming oportunidad ang mabubuksan sa turismo, kalakalan, at iba pang larangan para sa kapakinabangan ng kanilang mga mamamayan.