None
EN
‘Songbird’ documentary film ni Regine Velasquez, mapapanood sa sinehan sa 2027
['Faith Agustin']
SMNI NEWS CHANNEL
Sa ilalim ng produksiyon ng iMusic Entertainment at GOAT Creative Studios, at directed by Emmy Award-winning producer na si Michael Carandang, tampok sa documentary film na “SONGBIRD” ang intimate at behind-the-scenes sa buhay ni Regine Velasquez-Alcasid habang naghahanda para sa kaniyang 2-night ‘FINALE’ concert.
Sa inilabas na teaser video sa kaniyang official Facebook page, ipinasilip ang preparations ni Regine kasama ang veteran musical director na si Raul Mitra at bukod sa rehearsals, ibinabahagi rin dito ang mga larawan noong kaniyang childhood at kasama ang kaniyang ama na si Mang Gerry, clips ng kaniyang mga naging concerts at performances, at masayang buhay kasama ang asawang si Ogie Alcasid at anak na si Nate.
Inanunsiyo ang documentary film matapos maubos agad ang tickets para sa kaniyang ‘FINALE’ concert kung saan ang first-night ay na-sold out sa loob lamang ng 45 minutes ng ticket selling nito, habang ang 2nd-night naman na FREE show ay nakatanggap ng mahigit 50,000 online registrations na nagpaubos sa mga slot sa loob lang ng siyam na minuto.
Ang nasabing concert ay directed by Paolo Valenciano kasama si Raul Mitra bilang musical director at nakatakdang ganapin sa SM Mall of Asia Arena on October 17 at 18, na magsisilbi niyang huling major solo show.
Follow SMNI NEWS in Twitter