Mula sa pagpapalipad ng mga satellite hanggang sa layuning magkaroon ng sariling rocket launch capability. Sa ilalim ng Project Siklab, target ng pamahalaan na maisagawa ang kauna-unahang demonstration sounding rocket launch ng bansa sa Mayo 2027. Ayon sa mga opisyal, layunin nitong palakasin ang kakayahan ng Pilipinas sa rocket technology at makapasok sa lumalawak na pandaigdigang space industry. “By next year, meron na tayo ng first rocket launch and space launcher… Sana before the end of the President’s term, meron din tayo… first Filipino astronaut,’’ ani Sec. Sa ngayon, nagpapatuloy ang paghahanda para sa target na demonstration sounding rocket launch sa Mayo 2027.