Babala ng Philippine Business for Education (PBEd), ang matagal nang krisis sa edukasyon ay hindi na lamang problema ng mga paaralan, kundi isa na ring banta sa trabaho, pamumuhunan, at kinabukasan ng ekonomiya ng bansa. Ipinapakita umano nito na hindi pa rin tugma ang edukasyon sa pangangailangan ng mga industriya. Kaya giit ng grupo, kailangang maging tuloy-tuloy ang mga reporma at hindi napuputol sa bawat pagpapalit ng administrasyon. Para naman kay PBEd President Dr. Chito Salazar, panahon na upang magpatupad ng mas matatag at pangmatagalang sistema ng pamamahala sa edukasyon upang hindi ito naaapektuhan ng pagbabago sa politika. Nanawagan ang PBEd sa pamahalaan at Kongreso na pabilisin ang pagpasa at pagpapatupad ng mga nakabinbing reporma sa edukasyon.