None
EN
Bagong tagapangulo ng Filipino: Palakasin ang wika sa gitna ng pagbabago sa edukasyon, teknolohiya
['Frenchshield Shayne Delovieres', '.Wp-Block-Co-Authors-Plus-Coauthors.Is-Layout-Flow', 'Class', 'Wp-Block-Co-Authors-Plus', 'Display Inline', '.Wp-Block-Co-Authors-Plus-Avatar', 'Where Img', 'Height Auto Max-Width', 'Vertical-Align Bottom .Wp-Block-Co-Authors-Plus-Coauthors.Is-Layout-Flow .Wp-Block-Co-Authors-Plus-Avatar', 'Vertical-Align Middle .Wp-Block-Co-Authors-Plus-Avatar Is .Alignleft .Alignright']
The Varsitarian
ByLAYONG palakasin ng bagong tagapangulo ng Departamento ng Filipino na si Asst.
Prof. Leidy May Alnajes ang papel ng Filipino bilang asignatura at wika sa gitna ng mga pagbabago sa edukasyon at teknolohiya.
Dagdag pa ni Alnajes, mahalagang tungkulin ng mga guro na gabayan ang mga estudyante sa responsable at wastong paggamit ng artificial intelligence (AI).
“Gusto ko lang ipagpatuloy ang magandang nasimulan ng dating tagapangulo at siguraduhin na hindi mapuputol ‘yong mga magagandang naumpisahan, ‘yong mga programa, mga ugnayang naitatag nila,” dagdag pa ni Alnajes.
Ilan sa mga asignaturang hawak ni Alnajes ang Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino at Panimulang Pagsasalin.