None
EN
Mga kandidatong lalabag sa campaign rules, binalaan ng COMELEC
['Aaron Roxas']
SMNI NEWS CHANNEL
Kasabay ng pagsisimula ng campaign period para sa Bangsamoro Parliamentary Elections at Dasmariñas special elections, muling pinaalalahanan ng Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng kandidato na mahigpit na sundin ang mga umiiral na election rules.
Babala ni COMELEC Chairman George Garcia, hindi mag-aatubili ang komisyon na magpataw ng pinakamabigat na parusa laban sa mga lalabag sa batas.
George Erwin Garcia, Chairman, COMELEC.
Hinikayat din niya ang publiko na magsumbong sa COMELEC kung makasasaksi ng vote buying o iba pang election offenses.
Pinaalalahanan din ng COMELEC ang mga kandidato na huwag mangampanya sa ipinagbabawal na oras, iwasan ang paggamit ng mga non-biodegradable campaign materials.