None
EN
Cayetano inusisa kung paano sinusuri ng mga bangko ang malalaking gov’t withdrawal
['Aaron Roxas']
SMNI NEWS CHANNEL
Inusisa ni Senator-Judge Alan Peter Cayetano ang pagkakaiba ng pagsusuri ng mga bangko kung kahina-hinala ang malalaking withdrawal ng mga pribadong customer at ng mga ahensya ng gobyerno sa impeachment trial nitong Miyerkules, Hulyo 29, 2026.
Sa pagtatanong ni Cayetano, sinabi ni Constantino na hindi siya pamilyar sa mga detalye ng confidential funds at discretionary funds ng mga ahensiya ng gobyerno.
Binigyang diin ng senator-judge na pagdating sa mga pribadong customer ay kaya ng mga tagapamahala ng mga bangko na suriin kung “unusual” ang transaksiyon base sa profile ng customer sa ilalim ng “know your customer” na polisiya ng mga ito.
Minsan, nagtatanong, ‘di ba?…Ganoon din sa deposit,” pahayag ni Cayetano.
Nilinaw rin ni Cayetano na magkaiba ang “usual” at “unusual” sa “covered” at “suspicious” transactions, na may mga legal na implikasyon.