Hindi kumbinsido sa naging SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dating Defense Chief na si Norberto Gonzales, lalo na pagdating sa usapin ng West Philippine Sea. Sa naturang insidente, nagtamo ng sugat sa ulo ang isang personahe ng Philippine Navy matapos umanong paluin sa ulo ng isang Chinese Coast Guard. Bago ang nabanggit na insidente, ilang ulit na ring nakaranas ang Pilipinas ng paggamit ng water cannon mula sa Chinese Coast Guard. Kasunod nito, ilang linggo bago ang ikalimang SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., naglabas ang China Daily ng isang video na bumabatikos sa Pilipinas. Ipinaliwanag naman ni Gonzales kung bakit hanggang ngayon ay hindi naaayos ang problema sa South China Sea.