TINATAYANG aabot sa P300B ang posibleng habuling multa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) laban sa mga kompanya ng mga kontratistang sina Sarah at Curlee Discaya. Ito ay matapos mabunyag ang umano’y sistematikong pandaraya sa bidding ng mahigit isang libong proyektong pinondohan ng gobyerno. Papalo sa P78B na halaga ng mga flood control project ang nakuha ng mga kompanya ng Discaya sa gobyerno simula 2016 hanggang 2025. “In the case of the Discaya’s sila na mismo ang umamin na kasama sila sa bid-rigging kasi on their oath sinabi ito sa Blue Ribbon. Vince Dizon, Department of Public Works and Highways.