SA nagpapatuloy na imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), unang dumating sa CICC si dating DPWH Undersecretary Emil Sadain, kasunod si dating Usec. Roberto Bernardo, upang humarap sa pagdinig kaugnay ng flood control project anomalies. Ayon kay Sadain, ipinaliwanag nila kung paano isinasagawa ng DPWH ang malalaking proyekto ng gobyerno. Dagdag pa ni Hosaka, muling ipatatawag sina Bernardo at ang mag-asawang Discaya, habang inaasahan din ang pagdalo ng bagong resource persons kabilang si Senador at dating DPWH Secretary Mark Villar. Gayunman, nilinaw ni Hosaka na hindi pa kasama sa rekomendasyon ng komisyon ang pagpapa-freeze ng assets ni Romualdez.