Ang wastong paggalang sa watawat ay ipinapakita sa pamamagitan ng pagtayo nang tuwid at maayos tuwing may flag ceremony. Inilalagay ang kanang kamay sa dibdib at inaawit ang Lupang Hinirang nang buong galang. Hindi dapat maglaro, mag-ingay, o mag-usap habang itinataas o ibinababa ang watawat dahil ito ay simbolo ng ating bansa.