Marapat lamang na ipakita ang paggalang sa watawat ng Pilipinas sapagkat ito ay sumisimbolo ng ating pagsasarili at pagiging malaya mula sa mahigit tatlong daang taong pananakop ng mga Kastila. Bilang mag-aaral, ipapakita ko ang aking pagmamahal at paggalang sa watawat sa pamamagitan ng pagtahimik at pagtayo nang tuwid habang itinataas of ibinababa ang watawat.