Tuwing itinataas ang watawat at inaawit ang Lupang Hinirang dapat tayong tumayo nang matuwid. Ilagay ang kanang kamay sa tapat ng kaliwang dibdib bilang tanda na ang pagmamahal sa bayan ay galing sa puso. Huwag makipag-usap, huwag maglaro, at huwag gumala habang nagaganap ang pag-awit.