None
EN
COMELEC pabor sa itinutulak na Anti-Political Dynasty Bill; depinisyon nito kailangang linawin sa batas
['Margot Gonzales']
SMNI NEWS CHANNEL
Binuksan na ng Kamara ang deliberasyon sa mga panukalang batas na nagbabawal ng political dynasty sa mga posisyon sa gobyerno.
Paghihimok ni Speaker Bojie Dy, dapat maging bukas ang mga mambabatas sa Anti-Political Dynasty Law dahil matagal na umano itong hinihintay ng mga Pilipino.
“Ang panukalang Anti-Political Dynasty Bill ay matagal nang hinihintay ng sambayanang Pilipino.
It has been closed to 40 years since our Constitution was ratified with a provision intended to guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties.
Ngunit kulang po ito ng isang enabling law at ito po ang nais nating ipasa sa 20th Congress,” wika ni Representative Bojie Dy, House Speaker of the Philippines.